Deklarasyon ng measles outbreak posibleng bawiin sa Abril

By Len Montaño February 22, 2019 - 04:53 AM

Posibleng bawiin na ng Department of Health (DOH) ang deklarasyon ng measles outbreak sa buwan ng Abril.

Ito ay kung maitataas sa 95 percent ang immunity ng publiko laban sa tigdas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umaasa silang matatapos na ang outbreak kapag umabot sa halos 100 porsyento ang naabot ng bakuna laban sa naturang sakit.

Hanggang Febuary 20 anya ay mayroon 11,459 kaso ng tigdas sa buong bansa, mas mataas sa 2,673 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sa ngayon ay nasa 189 na ang nasawi sa tigdas para sa kasalukuyang taon.

Ang tigdas ay maituturing na highly contagious na sakit na sanhi ng virus na pwedeng maikalat sa pamamagitan ng pagbahing, ubo at kontak sa taong may tigdas. (Len)

TAGS: abril, doh, Health Secretary Francisco Duque III, immunity, measles outbreak, tigdas, abril, doh, Health Secretary Francisco Duque III, immunity, measles outbreak, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.