Bello nais ang mas mabigat na parusa sa illegal foreign workers
Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagnanais na magkaroon ng mas mabigat na parusa laban sa mga dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa bansa.
Ayon kay Bello, hiniling niya sa Kongreso na bigyan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng authority na magpasara ng mga pasaway na kumpanya na patuloy na kumukuha ng mga empleyadong illegal aliens.
Paliwanag ng Kalihim, nasa P10,000 lamang ang pwede nilang ipataw na multa sa bawat isang dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa bansa.
“‘Yun nga ang hinihingi ko from Congress. They should give DOLE that power (to order the closure of erring companies),” ani Bello.
Dagdag ni Bello, ang dayuhang manggagawa na nais magtrabaho sa bansa ng mahigit sa 6 na buwan ay dapat na kumuha ng Alien Employment Permit (AEP).
Ang DOLE ang nagbibigay ng naturang permit pero ibinibigay lamang ito sa dayuhan na magagawa ang trabaho na hindi magawa o ayaw gawin ng manggagawang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.