Pope Francis, nangako ng kongkretong solusyon sa sex abuse

By Len Montaño February 22, 2019 - 02:48 AM

Binuksan ni Pope Francis ang child sex abuse conference sa Vatican na may pangakong gagawa ito ng mga kongkretong remedyo sa isyu.

Ang pangako ay bilang tugon sa duda ng ilang nakaligtas sa umanoy pag-abuso ng mga miyembro ng simbahan na tila isa lamang umanong public relations event ang sex abuse summit.

Tinipon ng Santo Papa ang mga lider ng Simbahang Katolika sa buong mundo para sa apat na araw na pulong na layong tugunan ang iskandalo na nakasira sa kredibilidad ng Simbahan sa ilang malalaking bansa.

“Faced with the scourge of sexual abuse committed by men of the Church against minors, I wanted to reach out to you…listen to the cry of the little ones who are seeking justice. Victims expected concrete and efficient measures and not mere condemnations,” ani Pope Francis.

Bago ang child abuse summit ay tinanggal ng Vatican sa pagka-pari ang dating arsobispo sa Amerika na inireklamo na umano’y nang-abuso sa mga batang sakristan sa mga dati nitong simbahan.

TAGS: Child Abuse, pope francis, Santo Papa, Vatican, Child Abuse, pope francis, Santo Papa, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.