Mag-asawa, patay sa pamamaril sa Caloocan

By Len Montaño February 22, 2019 - 12:53 AM

Patay ang isang mag-asawa matapos silang barilin ng isang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing mag-asawa na sin Albine Nervar, 40 anyos at tricycle driver gayundin si Nemia Nervar, 40 anyos.

Ayon sa saksi na mismong anak ng dalawang biktima, isang lalaki na naka green na long sleeve ang bumaril sa kanyang mga magulang.

Naglalaro sa labas ng kanilang bahay ang 11 anyos na anak ng mga biktima na si Mary Jane Nervar nang bumili ng sigarilyo ang suspek mula sa kanilang tindahan.

Matapos makabili ng sigarilyo ay pansamantalang umalis ang suspek.

Pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito, pinasok ang bahay ng mga biktima sa 5627 Dhalia Str., Barangay 117 at pinagbabaril ang mag-asawa na agad nilang ikinasawi.

Ayon sa pamilya, ang mag-asawa ay mga testigo sa insidente ng pamamaril noong Nobyembre 2018.

TAGS: binaril sa bahay, caloocan, Mag-asawa, Pamamaril, testigo, binaril sa bahay, caloocan, Mag-asawa, Pamamaril, testigo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.