P1M halaga ng shabu, nakumpiska sa Cebu City
Hindi bababa sa P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa illegal drugs operation sa Cebu City, Huwebes ng hapon.
Naaresto ang mga suspek na sina Jude Agustin Labador, 24-anyos, at Miper Lopez, 35-anyos, matapos bumili ng droga ang isang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent ng Central Visayas sa Barangay Busay, Cebu City.
Si Labador ay residente ng Barangay Tipolo, Mandaue City habang si Lopez naman ay nakatira sa Sitio Abocado sa Barangay Mambaling, Cebu City.
Nakuha sa dalawa ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1 milyon.
Ayon kay PDEA-7 spokesperson Leah Albiar, napag-alaman ang ilegal na aktibidad ni Labador mula sa isang drug suspect na nahuli ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.