Australian nailigtas sa kidnapping; 4 na dayuhang suspek arestado

By Len Montaño February 21, 2019 - 10:32 PM

PNP Anti-kidnapping group photo

Nailigtas ang isang Australian national sa kidnapping at naaresto ang apat na dumukot sa kanya sa Makati City.

Ayon sa otoridad, dinukot ang 29 anyos na si Jianting Chen, isang Australian na dumating sa Pilipinas noong February 17.

Sinabi ng Anti-kidnapping group ng Philippine National Police (PNP) na isang miyembro ng Australian Police na si Rachel Ball ang nagsabi sa kanila na ang kaibigan ng biktima na si William Choi, na nakatira sa Hong Kong, ang nag-report ng kidnapping sa Australian Embassy.

Ipinaalam umano ni Chan kay Choi na dinukot siya sa pamamagitan ng isang messaging application. Humingi anya ang mga kidnapper ng 200,000 Chinese yuan kapalit ng kanyang kalayaan.

Si Chen ay dinukot noong February 19 sa Pasay City. Nailigtas ito kinabukasan sa Calantas At., Barangay San Juan sa Makati.

Arestado ang mga kidnapper na sina You Hua Wu, Zhao Ping Zheng, Hao Meng Li at Xue Zhao.

Kinasuhan na ang 4 na Chinese ng Kidnaping for Ransom at sasailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ).

TAGS: australian, Australian Embassy, chinese, dinukot, Jianting Chen, Kidnapping, kidnapping for ransom, PNP anti kidnapping group, australian, Australian Embassy, chinese, dinukot, Jianting Chen, Kidnapping, kidnapping for ransom, PNP anti kidnapping group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.