Umakyat na sa 189 ang bilang ng mga kumpirmadong namatay dahil sa sakit na tigdas.
Batay sa latest report ng Department of Health o DOH, ang naturang bilang ay naitala mula January 1 hanggang February 20, 2019.
Ang kabuuang bilang naman ng mga pasyenteng tinamaan ng tigdas ay nasa 11,459.
Tumaas ang datos ng 2,192, mula sa Measles Surveillance update noong February 18.
Pinakamaraming naitalang kaso ng tigdas ay sa National Capital Region na mayroong 2,936.
Sumunod ang Region 4A na mayroong 2,635 cases; Region 3 na may 1,643; Region 6 na mayroong 576 cases at Region 10 na may 572 cases ng tigdas.
Karamihan sa mga apektado ng tigdas ay mga bata.
Patuloy namang umaapela si Health Sec. Francisco Duque III sa mga magulang na pabakunahan ang kani-kanilang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.