Parada ni 2018 Miss Universe Catriona Gray dinagsa ng publiko

By Isa Avedaño-Umali February 21, 2019 - 04:42 PM

Photo: Bb. Pilipinas

Sa kabila ng napakainit na panahon, all-smile at naging panay ang kaway ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang grand homecoming parade ngayong hapon.

Ang parada ng ngayo’y pinaka-magandang babae sa buong universe ay may rutang Pasay City at Maynila at inaasahang magtatapos sa bahagi ng Makati City.

Hiwayan ang pang-welcome ng fans ni Catriona, at mayroon ding makukulay na confetti na bumati sa Miss U.

Suot ni Catriona ang isang gown na likha ng designer na si Mak Tumang. Ang inspirasyon para sa terno ng beauty queen ay sampaguita at anahaw.

At syempre, suot ni Catriona ang kanyang Mikimoto crown.

Siya naman ay nakasakay sa isang Mayon-inspired at kulay pula na float na gawa ni Fritz Silorio.

Ang supporters ni Catriona, kanya-kanyang diskarte para masulyapan at mapicturan ang Miss Universe.

Huwag namang mag-alala ang fans ni Catriona na mabibigong makita ang parada ng Miss Universe, dahil sa darating na February 23 o araw ng Sabado ay may isa pang parada, na gagawin naman sa Quezon City.

TAGS: 2018 Miss Universe, Catriona Gray, grand homecoming parade, 2018 Miss Universe, Catriona Gray, grand homecoming parade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.