Nationwide Simultaneous Earthquake Drill umarangkada na

Photo: Isa Umali

Nakibahagi ang mga opisyal at tauhan ng Quezon City hall sa 1st quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa taong 2019.

Nag-umpisa ito eksaktong alas-dos ng hapon, at may hudyat ng malakas na tunog.

Maging ang mga taong may transaksyon sa city hall, nag-DUCK, COVER and HOLD.

Iba’t ibang eksena ang nangyari, gaya ng pagsagip sa isang na-trap sa building na nasusunog.

Mayroon ding iniligtas na mga sugatan, tulad ng isang buntis na na-trap sa bahay nito at duguan at isang lalalaking nabagsakan ng mga puno at nawalan ng malay.

Ilan lamang ang mga ito sa mga posibleng mangyari kapag tumama ang isang magnitude 7.2 na lindol.

Kaugnay nito, mayroon ding iba’t ibang earthquake drill na ginawa sa Kampo Krame kung saan ang eksena, mayroong press conference nang tumama ang malakas na pagyanig.

Isa sa mga nakibahagi ay si DILG Sec. Eduardo Año at mga mamamahayag.

Kasabay nito ay ginanap rin sa iba’t ibang panig ng bansa ang nasabing preparedness drill para sa pagtama ng isang malakas na lindol.

Mga local government units ang nanguna nito sa iba’t ibang mga lokalidad.

Layunin ng drill na ihanda ang publiko sa hindi inaasahang pagdating ng tinatawag na “the big one”.

Read more...