Panukalang palakasin ng operasyon ng Clark Airport binuhay sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali November 25, 2015 - 04:26 PM

clark
Inquirer file photo

Inatasan ni House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento ang Technical Working Group nito sa pangunguna ni Pampanga Rep. Yeng Guiao na pag-aralan ang posibilidad na gawing alternate airport ang Clark International Airport sa Pampanga.

Sa pagdinig ng lupon ukol sa airport congestion sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA, pinagsusumite ni Sarmiento ang TWG, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Transportation and Communication, Clark International Aiport Corporation, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng master action plan sa January 2016.

Sinabi ni Sarmiento na matagal nang nababanggit ang Clark Airport bilang diversion airport pero hindi pa rin ito naisasakatuparan.

Naniniwala si Sarmiento na isang opsyon ang pagiging alternate airport ng dating U.S Military Base upang lumuwag ang NAIA at maresolba ang airport congestion doon.

Tiniyak naman ni Richie Nakpil, isa sa mga opisyal ng Clark International Airport na handa ang paliparan na maging alternate airport sa NAIA.

Subalit inamin ni Nakpil na isa sa mga rason sa hindi pag-ooperate ng mga airline companies sa Clark International Airport ay dahil sa kawalan daw ng sapat na bilang ng mga pasahero.

Ang kailangan lamang aniya ay one-stop shop sa Clark Field para sa mga Overseas Filipino Workers lalo’t maraming OFWs ay mula sa Region 1 at 2.

Tugon ito sa reklamo ni Guiao na napipilitan ang mga OFWs na nakatira sa mga lalawigan na lumuwas pa ng Maynila dahil sa pahirapang documentation sa kanilang lugar.

TAGS: Clark, Guiao, NAIA, Pampanga, Clark, Guiao, NAIA, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.