Negosyanteng tinambangan sa EDSA nagmamay-ari ng 31 mga armas

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2019 - 12:55 PM

Inquirer Photo/RICHARD REYES

Nagmamay-ari ng 31 mga armas ang negosyanteng tinambangan sa EDSA na si Jose Luis Yulo.

Ayon kay Chief Supt. Bernabe Balba, director ng Eastern Police District (EPD), sa nasabing bilang ng mga armas na naka-rehistro sa pangalan ni Yulo, 17 baril ang paso na o expired na ang permits.

Kasabay nito, nilinaw ni Balba na si Yulo ay respondent at hindi complainant gaya ng nauna nilang iniulat sa isang kasong grave threat.

Pero ayon kay Balba, taong 1985 pa isinampa ang kasong grave threat laban kay Yulo ng isang babaeng complainant.

Mayroon din siyang 14 na kasong may kaugnayan sa bouncing checks.

Nakakuha na rin ng kopya ng CCTV footage ang pulisya sa lugar na pinangyarihan ng pananambang.

TAGS: crime, EDSA ambush, Jose Luis Yulo, Metro Manila, NCR, crime, EDSA ambush, Jose Luis Yulo, Metro Manila, NCR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.