Kris Aquino masayang uusad na ang pagdinig sa isinampa niyang kaso laban kay Nicko Falcis

Masaya si Kris Aquino sa pag-usad ng kasong isinampa niya sa dating business partner na si Nicko Falcis.

Ibinahagi ni Aquino sa social media ang nalalapit nilang hearing na gaganapin na bukas (Feb.22) sa Quezon City Regional Trial Court.

“They TRIED but I didn’t allow them to destroy my heart. Because after all the STRONGEST HEARTS already possess the most scars.” saad ni Aquino sa kanyang Instagram account. “And on Friday, February 22, 2019, in QC, RTC, FINALLY…” ayon kay Kris.

Nang tanungin ng comedian at talent manager na si Ogie Diaz si Aquino kung mapapatawad pa nito si Falcis, sinabi nitong hindi na.

Sinampahan ni Aquino si Falcis ng qualified theft noong Nobyembre 2018 dahil sa paggamit umano nito ng pondo ng kanyang kumpanyang Kristina C. Aquino Productions (KCAP) sa pansariling pangangailangan.

Giit naman ni Falcis, hindi niya ninakaw ang pera at sa halip ay binu-bully ‘di umano siya ni Aquino gayundin ang kaniyang pamilya.

Nagsampa rin si Falcis ng dalawang bilang ng kasong grave threats laban kay Aquino noong Enero.

 

Read more...