2 miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Oriental Mindoro

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Souther Luzon February 21, 2019 - 12:28 PM

Patay ang dalawang hinihinalang New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa militar sa bayan ng Mansalay sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Lt. Felise Vida Solano, public information officer ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nangyari ang engkwentro sa Barangay Teresita alas 4:30 ng umaga ng Huwebes, Feb. 21.

Nakasagupa umano ng mga tauhan ng 4th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga rebelde na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang miyembro ng NPA na hindi pa nakikilala.

Na-recover ng militar ang labi ng dalawang nasawi.

Nakuha din ang isang M16 rifle at tatlong backpacks na iniwan ng mga tumakas na rebelde.

TAGS: encounter, new people's army, Oriental Mindoro, Philippine Army, encounter, new people's army, Oriental Mindoro, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.