P25M halaga ng shabu nasabat sa dalawang babaeng suspek sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2019 - 12:21 PM

Contributed Photo

Aabot sa P25 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang babaeng drug suspects sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, director ng Bulacan police, ikinasa ang buy-operation sa bayan ng Baliwag at naaresto sa loob ng inuupahan nilang apartment ang mga suspek na sina Cristina Joan Webb Trinidad, 39 anyos at Ruth Francisco, 34 anyos.

Sa isinagawang operasyon alas 3:50 ng madaling araw ng Huwebes (Feb. 21) ay nakuha sa mga suspek ang 3.7 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P25,744,800.

Nakuha din ang kanilang cellphones, isang weighing scale, drug paraphernalia, at marked money.

Sinabi ni Bersaluna na nakatanggap ng tip ang pulisya sa ilegal na transaksyon ng dalawang suspek kaya agad silang nagkasa ng buy-bust laban sa mga ito.

Ang dalawa ay wala sa drugs watch list ng pulisya at maari aniyang mga bagong high-profile players sa drug trafficking.

TAGS: baliwag, Bulacan, buy bust operation, drugs, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, War on drugs, baliwag, Bulacan, buy bust operation, drugs, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.