Hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro ng militar sa Surigao del Norte
Patay ang isang hinihinalang miyembro ng NPA matapos ang engkwentro sa militar sa bayan ng Gigaquit, Surigao del Norte.
Nagsasagawa ng military operations laban sa NPA ang 30th Infantry “Phyton” Battalion ng 4th Infantry Division dahil sa mga pagbabanta ng mga miyembro ng NPA sa mga isolated na barangay sa rehiyon ng CARAGA nang mangyari ang insidente.
Tumagal sa 30 minuto ang bakbakan sa Sitio Puyawon, Barangay Mahanub.
Isang lokal na residente ang nagbigay ng impormasyon patungkol sa mga miyembro umano ng NPA dahil sa mga pagbabanta ng mga ito sa kanilang lugar.
Nakuha sa lugar ang ang M16 na baril, tatlong magazine, 1 anti-personnel mine, 1 blasting cap, wire, utility rope at iba pang personal na kagamitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.