Hindi bababa sa 50 patay sa sunog sa apartment building sa Bangladesh

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2019 - 10:17 AM

Reuters Photo
Aabot na sa 56 ang naitalang patay sa sunog na naganap sa apartment buildings na ginagamit bilang
chemical warehouses sa Bangladesh.

Na-trap sa nasunog na gusali ang mga biktima matapos mabigong makalabas sa makitid na daanan.

Mabilis din ang naging pagkalat ng apoy dahil sa mga nakaimbak na highly-combustible na kemikal, body sprays at plastic granules.

Ayon kay Bangladesh fire service chief Ali Ahmed maaring madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Nagsimula ang sunog sa isang gusali sa Chawkbazar na kumalat agad sa mga katabing gusali.

TAGS: apartment buildings, Bangladesh, fire incident, apartment buildings, Bangladesh, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.