Sinabi ni Binay kapag naisabatas ang kanyang Senate Bill No. 2051, hindi mabibigyan ng marriage license ang nais magpakasal kung wala silang sertipikasyon na magpapatunay na sila ay dumalo sa seminar ukol sa family planning, responsible parenthood, breastfeeding at infant nutrition.
Aniya libre naman ang pa-seminar ukol sa pagpapasuso.
Paliwanag ng senadora layon ng kanyang panukala na maipaintindi sa mga magpapakasal ang mga benepisyo ng breastfeeding lalo na sa kalusugan ng sanggol.
Binanggit din nito na base sa bagong pag aaral maganda rin sa kalusugan ng mga ina ang pagpapasuso lalo na sa pag iwas sa breast at ovarian cancers, diabetes, heart attack at hypertension.
Nabatid na ang Health o ang Family Planning Office ng lungsod at bayan ang magsasagawa ng seminar ukol sa breastfeeding.