Breastfeeding seminar inihirit maisama sa requirements sa pagpapakasal

By Jan Escosio February 21, 2019 - 09:58 AM

Naghain ng panukala si Senator Nancy Binay na layong obligahin ang mga magpapakasal na sumailalim sa seminar tungkol sa tamang pag-aalaga sa sanggol, kasama na ang breastfeeding.

Sinabi ni Binay kapag naisabatas ang kanyang Senate Bill No. 2051, hindi mabibigyan ng marriage license ang nais magpakasal kung wala silang sertipikasyon na magpapatunay na sila ay dumalo sa seminar ukol sa family planning, responsible parenthood, breastfeeding at infant nutrition.

Aniya libre naman ang pa-seminar ukol sa pagpapasuso.

Paliwanag ng senadora layon ng kanyang panukala na maipaintindi sa mga magpapakasal ang mga benepisyo ng breastfeeding lalo na sa kalusugan ng sanggol.

Binanggit din nito na base sa bagong pag aaral maganda rin sa kalusugan ng mga ina ang pagpapasuso lalo na sa pag iwas sa breast at ovarian cancers, diabetes, heart attack at hypertension.

Nabatid na ang Health o ang Family Planning Office ng lungsod at bayan ang magsasagawa ng seminar ukol sa breastfeeding.

TAGS: breastfeeding, Health, Radyo Inquirer, Sen. Nancy Binay, breastfeeding, Health, Radyo Inquirer, Sen. Nancy Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.