19 anyos na babae sugatan sa pananambang sa Digos City

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2019 - 09:49 AM

Sugatan ang isang 19 anyos na babae makaraang tambangan sa Digos City, Huwebes (Feb. 21) ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Deozar Almasa, city police director, ang biktima ay nakilalang si BErna Jane Obiena Dillo, may-asawa at residente ng Purok Tangigue, Barangay Dawis.

Nasa harapan ng gate ng kanilang bahay si Dillo nang dumating ang salarin at binaril siya sa ulo.

Kagagaling lamang umano ni Dillo sa videoke bar na pag-aari ng kaniyang nanay nang mangyari ang pananambang.

Agad isinugod sa ospital ang biktima kung saan siya ginagamot ngayon.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo sa pananambang.

TAGS: ambush, crime, digos city, Radyo Inquirer, ambush, crime, digos city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.