Pagsasabatas sa Universal Health Care makasaysayan ayon sa DOH

Masaya ang Department of Health (DOH) sa pagkakapasa na bilang isang ganap na batas sa Universal Health Care

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni DOH Usec. Eric Domingo, inabot ng halos tatlumpung taon ang pagbalangkas sa nasabing batas.

Naging makasaysayan aniya ang paglagda dito ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Sinabi ni Domingo na sa ilalim ng bagong batas, bawat Filipino ay magkakaroon na ng insurance.

Mapapalakas din ang primary health care system sa bansa para matiyak na ang bawat Filipino ay makapagpapa-check up upang maagapan ang kanilang sakit.

Maglalagay din ng primary care doctors sa bawat komunidad para maging madali sa bawat mamamayan ang makapagpatingin.

Read more...