2 drug suspects patay sa engkwentro sa Antipolo

By Rhommel Balasbas February 21, 2019 - 06:10 AM

Nauwi sa engkwentro ang operasyon ng mga pulis sa Brgy. San Roque, Antipolo City maghahating-gabi ng Huwebes.

Nagkasa ng buy bust operation ang drug enforcement unit ng Antipolo City police laban sa mga suspek na kinilalang sina alyas Julius at Rolando Tajan.

Kapwa nasa watchlist ang dalawang suspek.

Nang makapagbenta ng shabu sa isang pulis na poseur buyer ay nahalata ni Julius ang presensya ng back up police kaya’t nagpaputok ito ng baril.

Gayunman, gumanti ng putok ang mga pulis na agad na ikinasawi ng suspek at kanyang kasamahan.

Samantala, mayroon ding tatlong naaresto kabilang ang isang menor de edad matapos maaktuhang nagdodroga.

Nakuha sa operasyon ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at dalawang kalibre .38 na baril.

TAGS: Antipolo City, drug suspects, encounter, Antipolo City, drug suspects, encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.