PAGASA: Bagyo sa labas ng bansa, lumakas pa

By Len Montaño, Rhommel Balasbas February 21, 2019 - 04:54 AM

Lumakas pa ang bagyo na namataan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa 4 a.m. Pagasa weather forecast ngayong Huwebes, isa nang Severe Tropical Storm ang bagyo na may international name na “Wutip”.

Namataan ito sa layong 2,775 kilometers east ng Mindanao.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 105 kilometers per hour at bugsong 130 kilometers per hour.

Tinatahak ng severe tropical storm ang direksyong Northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Ayon kay weather specialist Loriedin dela Cruz, inaasahang lilihis ang bagyo sa direksyong pa Hilagang-Silangan na magpapababa ng tyansa nitong tumama sa bansa.

Patuloy naman na makararanas ng malamig na simoy ng hangin sa eastern sections ng bansa dahil sa northeast surface windflow o na hanging galing sa Japan.

Magiging maulap ang panahon na may mahihinang pulo-pulong pag-ulan sa Mindanao, Bicol Region, Visayas at mga lalawigan ng Aurora at Quezon dahil sa northeast surface windflow.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay maganda ang panahon at mababa ang tyansa ng pag-ulan.

TAGS: maulap na panahon, Pagasa, PAR, Severe Tropical Storm “Wutip”, maulap na panahon, Pagasa, PAR, Severe Tropical Storm “Wutip”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.