Product ads ng senatorial candidates pinatatanggal ng Comelec

By Rhommel Balasbas February 21, 2019 - 04:40 AM

Wala na dapat product advertisements ang mga kandidato sa pagkasenador simula noong February 12 ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa isang panayam iginiit ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na buhat nang magsimula ang campaign period ay dapat wala ng products advertisements ang mga kandidato.

Alam anya ng mga contractors na papasok ang campaign period at hindi na problema ng Comelec kung matutupad o mababali ang nakasaad sa mga kontrata.

Ayon kay Guanzon, hindi maaaring bumuo ng isang kontrata na labag sa mga batas at polisiya.

Sinabi ng polly body official na kailangan nilang ipatupad nang mahigpit ang campaign rules dahil sa kritisismo na kulang sila sa ngipin sa pagpapatupad ng mga batas.

Matatandaang noong nakaraang Linggo ay nagsimula na rin ang dokumentasyon sa illegal campaign materials ng mga kandidato.

TAGS: campaign period, comelec, Comelec Commissioner Rowena Guanzon, illegal campaign materials, product advertisements, senatorial candidates, campaign period, comelec, Comelec Commissioner Rowena Guanzon, illegal campaign materials, product advertisements, senatorial candidates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.