National Artist for Architecture Bobby Mañosa pumanaw na

By Rhommel Balasbas February 21, 2019 - 03:12 AM

Gelo Mañosa FB photo

Pumanaw na sa edad na 88 ang National Artist for Architecture na si Franciso “Bobby” Mañosa.

Ang pagpanaw ni Mañosa ay inanunsyo ng kanyang anak na si Gelo sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Itinaguyod ng national artist ang Filipino architecture sa loob ng 40 taon.

Kabilang sa mga hindi malilimutang likha ni Mañosa ay ang Coconut Palace, EDSA Shrine, Davao Pearl Farm at Amanpulo resorts.

Ang pagbuo sa Coconut Palace ang dahilan para bansagan si Mañosa na ‘Father of Philippine Neo-vernacular architecture.

Noong Oktubre noong nakaraang taon ay nagawaran ang arkitekto ng National Artist Award.

Ibuburol ang mga labi ni Mañosa sa Heritage Memorial Park simula ngayong araw ng Huwebes at ang libing naman ay sa Pebrero 24 sa Libingan ng mga Bayani.

TAGS: Amanpulo, coconut palace, Davao Pearl Farm, EDSA Shrine, Father of Philippine Neo-vernacular architecture, Filipino architecture, Franciso “Bobby” Mañosa, National Artist for Architecture, Amanpulo, coconut palace, Davao Pearl Farm, EDSA Shrine, Father of Philippine Neo-vernacular architecture, Filipino architecture, Franciso “Bobby” Mañosa, National Artist for Architecture

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.