Pacquiao, sinabihan si Jimuel na hindi nito kailangang mag-boksing

By Len Montaño February 21, 2019 - 02:28 AM

Hinimok ni Senator Manny Pacquiao ang panganay na anak na si Jimuel na lumayo sa boksing dahil iniyakan ng ina nitong si Jinkee ang paglaban nito sa ring.

Ayon kay Pacquiao, napagkasunduan na nila ng asawa na walang boxing gloves at equipment sa kanilang bahay.

Sinabihan na rin ng mag-asawang Pacquiao si Jimuel na pumili ito ng ibang larangan sa kanyang buhay.

Masakit umano sa loob ng pambansang kamao na makita ang anak na nag-boksing dahil alam nito kung gaano kahirap ang paglaban sa ring.

Paliwanag ni Pacquiao sa anak, nag-boksing siya dahil sa kahirapan pero si Jimuel ay hindi nito kailangan na lumaban sa ring.

Pahayag ito ng Pinoy boxing icon kasunod ng paglabas ng video ni Jimuel na sumabak sa sparring sa isang exhibition match.

Ayon kay Pacquiao, ilang beses na umiyak si Jinkee dahil dito at sinabihan nito ang anak na huwag pasukin ang boksing.

TAGS: boksing, boxing gloves, iniyakan, Jimuel Pacquiao, Jinkee Pacquiao, manny pacquiao, sparring, boksing, boxing gloves, iniyakan, Jimuel Pacquiao, Jinkee Pacquiao, manny pacquiao, sparring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.