Higit P6.8M halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa Taguig

By Rhommel Balasbas February 21, 2019 - 02:11 AM

Contributed photo

Aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Brgy. Central Signal, Taguig City.

Nagkasa ng buy bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District Station 7, Taguig City Police at Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO sa isang apartment unit sa naturang baranggay.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang QCPD Station 7 na nagmumula sa naturang apartment unit ang shabu na isinusuplay sa Cubao area.

Nagpanggap na bibili ng droga ang isang pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga drug suspects.

Contributed photo

Nakilala ang mga ito na sina Abel Dagadas, Usay Uting, Larrylyn Asada at Jacqueline Dapitan.

Nakuha mula sa kanila ang 12 plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon, drug paraphernalia at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, NCRPO, P6.8M halaga ng shabu, Quezon City Police District Station 7, shabu, taguig, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, NCRPO, P6.8M halaga ng shabu, Quezon City Police District Station 7, shabu, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.