PDA planong ipagbawal sa Children’s Park sa Baguio

By Rhommel Balasbas February 21, 2019 - 01:56 AM

Nais ipagbawal ang public display of affection (PDA) sa Children’s Park sa Burnham Park sa Baguio City.

Ito ay matapos maghain ng ordinansa si City Councilor Joel Alangsab na layong ipagbawal ang PDA ng dalawang tao dahil hindi umano ito magandang halimbawa sa mga kabataan.

Iginiit naman ng konsehal na ang mga kilos lamang na iskandaloso at malisyoso ang ipagbabawal.

Maaari pa rin ang paghahawak kamay ng magkansintahan at ‘kissing in a short manner.’

Kapag naipasa, mahaharap sa multang P2,000 ang mga mapapatunayang lalabag.

Matatandaang una nang naging maingay ang ilan sa mga ipinatutupad na ordinansa sa Baguio City.

Ilan sa mga baranggay ang nagpatupad na bawal na ang tsismis at pagsasampay ng underwear sa labas ng bahay.

TAGS: baguio city, burnham park, Children’s Park, iskandaloso, kissing in a short manner, malisyoso, ordinansa, PDA, baguio city, burnham park, Children’s Park, iskandaloso, kissing in a short manner, malisyoso, ordinansa, PDA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.