6 patay sa sunog sa karaoke center sa Malaysia

By Rhommel Balasbas February 21, 2019 - 01:28 AM

AP photo

Nasawi ang anim katao kabilang ang tatlong dayuhan sa sunog na sumiklab sa isang karaoke center sa Ipoh, Perak State, Malaysia, araw ng Miyerkules.

Ayon kay Perak fire department acting director Sayani Saidon, nagsimula ang sunog sa ikaapat na palapag ng building.

Office building ang nasunog na mayroong 30 karaoke rooms sa ikaapat at ikalimang palapag.

Agad na rumesponde ang mga bumbero sa fire scene at tumambad sa kanila ang katawan ng anim na katao na nasawi dahil sa smoke inhalation.

Ayon kay Saidon, dalawa sa mga nasawi ay Malaysians, dalawa ay Vietnamese, isa ay Bangladeshi habang tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng isa.

Naligtas din ng mga bumbero ang walo katao kung saan dalawa ay nasa kritikal na kondisyon.

Hindi umano agad nakalabas ang mga tao sa karaoke center nang sumiklab ang sunog dahil hindi nagbukas ang exit lights.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng insidente.

TAGS: exit lights, karaoke center, Malaysia, Perak fire department, sunog, exit lights, karaoke center, Malaysia, Perak fire department, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.