Sa Sabado February 23 na isasagawa ang dry run para sa dredging o paghuhukay sa Manila Bay.
Ayon kay Environment Undersecretary Sherwin Rigor, kasado na ang dry run alas 8:00 Sabado ng umaga.
Sa gagawing dredging ay magkakaroon ng silt removal sa baywalk malapit sa US Embassy.
Ayon kay Rigor, layon ng dredging na matukoy ang takbo at para tama ang paraan sa rehabilitasyon o paglilinis ng Manila Bay.
Una nang tinukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dredging sites na Estero de Vitas sa Tondo, Manila, Navotas River at ang palibot ng Manila Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.