5 patay sa forest fire sa Itogon, Benguet

By Len Montaño February 21, 2019 - 12:32 AM

Credit: Jay Hernandez Himor

Lima ang nasawi sa forest fire sa property ng Philex Mining Corporation sa Sitio Sal-angan sa boundary ng mga munisipalidad ng Itogon at Tuba at Benguet.

Sa report ng Bureau of Fire Protection-Cordillera Administrative Region (BFP-CAR), naiulat ang sunog alas 1:30 Miyerkules ng hapon at idineklarang under control makalipas ang 5 oras.

Ang mga nasawi ay mga Philex foresters na sina Dante Molina, Noel Degyem, Marlon Guiniguin at Dexter Labasa at isang residente na si Leon Mocate.

Nabatid na tinupok din ng apoy ang Forestry Department ng Philex.

Tinatayang lima hanggang anim na ektarya ang nasunog.

Iniimbestigahan ang dahilan at halaga ng pinsala dulot ng forest fire.

Tumugon sa sunog ang Philex Fire Brigade; Itogon, Tuba, at Baguio Fire Stations, PEZA Fire Brigade, PMA fire brigade at PNP-Tuba, Itogon sa Benguet at Baguio.

TAGS: benguet, BFP-CAR, Forest fire, itogon, Philex Mining Corporation, benguet, BFP-CAR, Forest fire, itogon, Philex Mining Corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.