Balik Vigil ang supporters ni Mayor Junjun

June 24, 2015 - 11:28 AM

makati ruel
Kuha ni Ruel Perez

Balik sa vigil ang mga supporters ni Makati Mayor Junjun Binay sa harap ng Makati City Hall.

Ito ay matapos mabalitaan ng mga supporters ng alkalde na muling papatawan ng suspension ng Ombudsman si Binay may kaugnayan naman sa kinakaharap nitong reklamo hinggil sa maanomalyang kontrstruksyon ng Makati Science High School.

Gaya ng dati, nagtayo ng mga tents sa harap ng City hall at doon namalagi ang mga residente mula sa iba’t-ibang barangay sa Makati.

Ayon sa mga supporters ni Mayor Binay, mananatili sila doon hanggang gabi kung saan magsasagawa sila ng programa at pagvi-vigil.

Hindi naman apektado ang transaksyon at pasok sa mga opisina sa Makati City hall sa kabila ng pagtitipon-tipon ng sa labas ng mga residente./ Ruel Perez

TAGS: junjun binay suspension, makati science high school, Radyo Inquirer, junjun binay suspension, makati science high school, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.