Full implementation ng Universal Health Care Law sa 2020 pa
Aminado Malacañang na hindi pa magiging fully implemented ngayong taon o gradual lamang ang implementasyon ng Universal Health Care Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay kung hindi maipapasa ng kongreso ngayong taon ang panukalang magtataas ng buwis sa sin product gaya ng sigarilyo at alak.
Sinabi pa ni Panelo na pagkakasyahin muna ng pamahalaan kung anong pondo mayroon ang gobyerno.
Ayon sa Department of Health, kulang pa ng P40 Billion ang pondo para sa UHC.
Tiyak naman aniyang makahahanap ng paraan ang pamahalaan para masolusyunan ang problema at posibleng maipatupad ito ng buong-buo sa susunod na taon.
Pag-aaralan muna ng pamahalaan kung nararapat na taasan ang kontribusyon ng mga miyembro ng Philhealth para sa UHC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.