Duterte kay Peter Lim: “If I were you, I would commit suicide”

By Chona Yu, Den Macaranas February 20, 2019 - 07:14 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

May mabigat na payo si Pangulong Rodrigo Duterte para sa suspected drug lord na si Peter Lim.

Sa kanyang talumpati makaraang lumagda sa ilang mga bagong batas sa Malacañang ay sinabi ng pangulo na dapat ay biktihin na lamang ni Lim ang kanyang sarili.

“Ito si Peter Lim, you know, if I were you, I would commit suicide,” pahayag ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo “Do not ever, ever surrender to me alive because you would commit suicide.”

“Ganun din, i-abbreviate mo na, at least ikaw pa magtali sa leeg mo,” ayon pa kay Duterte.

Nauna dito ay muling sinabi ng pangulo na tuloy ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

Sa nakaraang survey ng Social Weather Stations, anim sa sampung mga Pinoy ang nagsabi na nabawasan ang mga drug personalities sa kanilang mga komunidad dahil sa war on drugs ng gobyerno.

TAGS: drug lord, duterte, Malacañang, Peter Lim, War on drugs, drug lord, duterte, Malacañang, Peter Lim, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.