Nagbabala ang Pagasa weather bureau sa posibleng epekto ng El Niño sa ilang bahagi ng bansa.
Sa abiso ng Pagasa, umiiral na kasi ang mahinang El Niño sa tropical Pacific.
Ayon kay Pagasa administrator Vicente Malano, inaasahang mabubuo ang El Niño ngayong Pebrero o sa Marso.
Mula pa aniya noong July 2018 nang simulan ang pagbabantay ng weather bureau rito.
Sinabi naman ni Pagasa climate monitoring chief Analiza Solis na kabilang sa magiging epekto ng El Niño ang ‘warmer than average’ na surface temperature, mahabang panahon ng tag-init at ‘below normal rains’ sa maraming bahagi ng bansa.
Magiging ‘below average’ rin aniya ang bilang ng mga bagyo na papasok sa bansa ngayong taon.
Gayunman, nagbabala si Solis na mas malakas ang mga bagyo sa panahon ng El Niño.