Universal Health Care Act pirmado na ni Duterte
Lahat ng mga Pinoy ay mabibigyan na ng maayos at de-kalidad na health care services sa mga susunod na buwan.
Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care Bill na nagbibigay ng malawak na health care coverage at benepisyo sa mga Filipino.
Nakapaloob sa nasabing landmark legislation na ang lahat ng mga Pinoy ay magiging otomatikong miyembro ng bubuuing National Health Insurance Program (NHIP) bilang direct contributor o indirect contributor.
Ang mga direct contributors ay iyung mga nagbabayad ng regular na health premiums samantalang ang mga indirect contributors ay ang mga senior citizens o indigents.
Mas palalawakin nito ang saklaw ng Philhealth na napapakinabangan ng mga Pinoy sa kasalukuyan.
Nangangahulugan na sasaklawin na rin nito ang libreng konsultasyon at iba pang diagnostic services.
Nakalagay rin sa nilagdaang batas na ang mga Pinoy na naninirahan sa bansa ay makikinabang sa primary health service kahit walang Philhealth card.
Kanina ay nilagdaan na rin ng pangulo ang Social Security Act, the Philippine Sports Training Center Act, at ang Central Bank Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.