Pinayuhan ng Malacañang ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagsasa-publiko sa narco list o ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa illegal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagaman may pangangailangan na ipabatid sa publiko ang mga pulitikong sangkot sa illegal na droga, dapat tiyakin muna na berepikado ang listahan.
Bukod dito, sinabi ng Panelo na dapat ay kumpleto o sapat ang mga ebidensya.
Dapat aniyang matuto na ang DILG sa pagkakamali noon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang isama sa narco list si Pangasinan Congressman Amado Espino.
Matatandaang humingi ng paumanhin si Duterte kay Espino matapos magkamali sa kanyang narco list.
Ayon kay Panelo, mahalaga na makilatis ng mga botante ang kakandidato sa susunod na halalan.