Pagsasara sa Tandang Sora flyover hindi muna itutuloy

By Angellic Jordan February 20, 2019 - 04:30 PM

Inquirer file photo

Sinang-ayunan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang rekomendasyon ng Quezon City council na ipagpaliban ang pagsasara ng Tandang Sora flyover at intersection nito.

Iminungkahi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagpapaliban nito nang isang linggo para mas matalakay ang magiging traffic plan sa lugar.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, makabubuti ang rekomendasyon ng Q-C Council.

Maganda aniyang nagka-usap sila ni Belmonte para maayos ang mga itatalagang alternatibong ruta para sa publiko.

Sinabi pa ni Garcia na ipararating ang rekomendasyon sa Department of Transportation.

Nauna dito ay nakatakda sana sa February 23 ang pagsasara ng nasabing flyover para sa demolisyon at magbigay-daan sa pagtatayo ng MRT 7 sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

TAGS: department of transportation, February 23, Jojo Garcia, mmda, Tandang Sora flyover, department of transportation, February 23, Jojo Garcia, mmda, Tandang Sora flyover

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.