Panukalang pagtatayo ng rainwater harvesting facilties umusad na sa Kamara

By Erwin Aguilon February 20, 2019 - 04:21 PM

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas para obligahin ang lahat ng bagong institutional, commercial, at residential development projects sa Metro Manila na magkaroon ng pasilidad na mapag-iipunan ng tubig-ulan.

Sa pamamagitan ng viva voce vote lumusot ang House Bill No. 4340 o panukalang “Rainwater Harvesting Facility Act,” na layuning isulong ang pagtitipid ng tubig.

Tinitiyak rin dito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng malinis na tubig para magamit sa domestic at sanitation purposes.

Sakop ng panukala ang mga bagong subdivisions, condominiums, malls, government institutions at iba pang establisyimento.

Ito’y para maiwasan rin ang mga pagbaha tuwing may bagyo o tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan.

Kapag naging batas, ang sinumang lalabag dito ay magmumulta ng mula kalahating milyon hanggang dalawang milyong piso para sa bawat taon nang hindi pagtatayo ng water harvesting facilities.

TAGS: Congress, Floods, rainwater harvesting act, second reaDING, Congress, Floods, rainwater harvesting act, second reaDING

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.