Brgy. councilor patay sa pamamaril sa Maynila

By Angellic Jordan February 20, 2019 - 03:42 PM

Patay ang isang barangay councilor matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Hicana, 48-anyos, councilor ng Barangay 356, Zone 36 sa District 3.

Ayon sa pulisya, batay sa kuha ng C-C-T-V camera, isa sa mga suspek ang bumaril sa likuran ng biktima sa bahagi ng Severino Reyes Street kahapon ng tanghali.

Sinubukang tumakbo ni Hicana nang makita ang suspek ngunit natamaan pa rin ito.

Agad nakatakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Dinala pa ang biktima sa Jose Reyes Memorial Hospital ngunit nasawi rin dahil sa tinamong tama ng bala.

Sa ngayon, nagkasa na ang pulisya ng manhunt operation para sa pagtugis sa mga suspek.

TAGS: Alfredo Hicana, Barangay 356, brgy councillor, manila, Zone 36 sa District 3., Alfredo Hicana, Barangay 356, brgy councillor, manila, Zone 36 sa District 3.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.