PNP may budget na para sa Emergency 911 Command Center

Sinabi ni Senator Loren Legarda na kasama sa budget ng Philippine National Police (PNP) ngayong taon ang pagtatayo ng Emergency 911 Command Center.

Ayon kay Legarda malaking tulong sa pambansang pulisya ang command center para sa kanilang maayos at mabilis na pagtugon sa mga tawag ng pangangailangan o saklolo.

Magsisilbi ang Emergency 911 Command Center bilang coordinating center sa mga emergency response and operations gamit ang mga makabagong teknolohiya.

Magagamit din itong sentro ng pagkuha ng mga datos at impormasyon ng PNP mula sa mga lokal na pamahalaan sa usapin ng peace and order at security.

Dagdag pa ni Legarda sa 2019 budget ng PNP may inilaan na P59.8 million para sa pagkuha ng mga karagdagang pulis.

May pondo rin para sa pagbili ng mga bagong sasakyan para sa PNP, maging para sa Bureau of Fire Protection.

Read more...