Ayon kay SFO3 Wilson Bautista ng Quezon City Fire Department, nagsimula ang sunog sa clothing warehouse sa G. Araneta Avenue sa Talayan Village alas 10:50 ng umaga.
Umabot ng unang alarma ang sunog na agad din namang naapula alas 11:15 ng umaga.
Ang nasunog na establisyimento ay nasa harap lamang ng Philadelphia High School.
Wala namang iba pang nadamay sa sunog at inaalam na kung ano ang pinagmulan ng apoy.
READ NEXT
Emergency Room ng isang ospital sa Sta. Cruz, Laguna pansamantalang isinara dahil sa hinihinalang kaso ng MERS
MOST READ
LATEST STORIES