Emergency Room ng isang ospital sa Sta. Cruz, Laguna pansamantalang isinara dahil sa hinihinalang kaso ng MERS
Pansamantalang isinara ang emergency room ng isang private hospital sa Sta. Cruz, Laguna Miyerkules (Feb. 20) ng umaga matapos may ma-admit doon na may hinihinalang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS.
Ayon kay Glen Ramos, tagapagsalita ng Department of Health (DOH) – Calabarzon ang pagsasara ng ER ng Laguna Doctors Hospital ay bahagi ng routine para ma-disinfect ang paslilidad.
Nakasaad din sa Facebook page ng ospital na sumasailalim ngayon sa general disinfection ang kanilang ER.
Sa pahayag, sinabi naman ni Dr. Eduardo Janairo, DOH regional director sa Calabarzon, may napaulat na hinihinalang kaso ng MERS sa nasabing pagamutan.
Agad aniyang dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City ang pasyente para sa pagsusuri.
Ang MERS ay communicable at deadly na sakit at kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, ubo, at sipon.
Tumatagal ng 14 na araw ang incubation period ng sakit.
Ayon sa DOH Calabarzon bubuksan muli ang ER ng naturang pagamutan sa sandaling matapos ang routine clean up.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.