Regine Velasquez, dismayado sa isang fan na nang-bash kay Morissette Amon

By Dona Dominguez-Cargullo, Rollyn Gonzales - Radyo Inquirer intern February 20, 2019 - 11:48 AM

IG Photo

Hindi napigilan ni Regine Velasquez ang pagkadismaya sa isang fan na nang-bash kay Morissette Amon.

Ito ay kaugnay ng pagtanggap ni Amon sa alok ng Asia’s Songbird na tanggapin at kantahin ang kanyang hitsong na “Pangarap Ko ang Ibigin Ka”.

Ikinagigil ng netizen ang hindi pagtanggi ni Amon sa alok ni Velasquez.

Dagdag pa niya, hindi raw mararating ng singer ang achievements ni Regine o ni Sarah.

Dahil dito, sumagot si Velasquez sa Twitter kahapon at sinabi na wala namang mali sa pagbibigay ng nasabing kanta kay Amon.

Ayon kay Velasquez, nais niyang i-rekord ni Amon ang awit para magkaroon ito ng bagong buhay at malaman ito ng bagong henerasyon.

TAGS: Morissette Amon, Pangarap Ko ang Ibigin Ka, Regine Velasquez, Morissette Amon, Pangarap Ko ang Ibigin Ka, Regine Velasquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.