Kaso sa Iranian na nanakit ng pulis sa Puerto Galera iniurong matapos malaman na mayroon syang mental health condition

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 11:37 AM

Nagpasya ang isang pulis sa Puerto Galera na iatras ang demanda laban sa babaeng Iranian national na nagwala at nanakit sa kaniya noong Lunes ng umaga.

Nagdesisyon si PO2 Ferr Henrick Mangarin ng Puerto Galera Municipal Police Station na huwag ituloy ang pagsusulong ng kasong direct assault upon person in authority laban sa dayuhang si Fereshte

h Najafi Marbouyeh, 31-anyos.

Paliwanag ng hepe ng Puerto Galera Municipal Police Station na si Chief Insp. Dominador Madrid III, napag-alaman kasi nilang may mental health condition ang Iranian.

Ito aniya ang dahilan kaya pabigla-bigla ang emosyon nito gaya ng kaniyang ginawa noong Lunes nang siya ay arestuhin nang maghubad at magwala sa pampublikong lugar.

Pagdating sa istasyon ng pulisya ay sinuntok ng dayuhan at pinaso ng sigarilyo si PO2 Mangarin.

Ayon sa mga otoridad sa Puerto Galera, hiniling mismo ng pamilya ng dayuhan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila sa telepono na panatilihin ito sa kostodiya ng pulisya.

Ito ay habang hinihintay ang urgent visa mula sa Iranian Embassy sa Maynila upang siya ay maiuwi na sa Iran.

TAGS: direct assault, Iranian National, puerto galera, direct assault, Iranian National, puerto galera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.