Liquid items na higit 100ml ang dami pinapayagan na muli sa MRT-3 at LRT-2

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 11:20 AM

Binawi na ng pamunuan ng MRT-3 at LRT-2 ang ban sa pagpasok ng liquid items sa kanilang mga tren.

Sa abiso sa publiko ng MRT-3 maari na muling magpasok ng mga liquid item sa kanilang tren na higit 100 ml ang dami.

Kabilang dito ang inuming tubig, pabango, hand sanitizer, alcohol, lotion at iba pa.

Pero ayon sa MRT-3 ito ay sa kondisyon na kailangang dumaan sa pagsusuri ang liquid items bago maipasok.

Kung ito ay tubig, ipapanom ito sa pasahero, ii-spray kung pabango, ipapahid sa kamay kung lotion at alcohol at iba pa.

Ang pag-test ng mga pasahero sa dala nilang liquid items ay kailangang gawin sa harap ng security personnel ng MRT-3.

Samantala ayon sa LRT-2 inalis na rin nila ang ban sa bottled water at ipa pang liquid items sa kanilang tren.

Ito ay habang naghihintay sila ng guidelines na magmumula sa Office for Transportation Security (OTS).

TAGS: liquid items, LRT 2, MRT 3, liquid items, LRT 2, MRT 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.