Sa pahayag, partikular na tinukoy ni Cardema ang mga mag-aaral na sumasapi sa Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at National Democratic Front (NDF).
Dapat ani Cardema na magpalabas ng Executive Order si Pangulong Duterte para alisan ng scholarships ang lahat ng mag-aaral na ‘anti-government”.
“Specifically those students who are allied with the leftist CPP-NPA-NDF, a terrorist group that is trying to overthrow the Philippine Government and killing our government troops,” ayon kay Cardema.
Hinimok din ni Cardema ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK), Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), Citizen Army Training (CAT), na ireport sa pamahalaan ang mga pinaniniwalaang sangkot sa CPP-NPA-NDF sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.
Dismayado si Cardema sa mga mag-aaral na lumalahok sa mga protesta laban sa gobyerno.
Ani Cardema, tungkulin ng bawat kapataang Filipino ang maging pagasa ng bayan at labanan ang mga nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.