Negosyante nakaligtas sa pananambang sa Mandaue City

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 09:28 AM

CDN Photo

Nakaligtas ang isang negosyante sa pananambang sa Barangay Alang Alang, sa Mandaue City, Miyerkules (February 20) ng umaga.

Kinilala ng mga otoridad ang negosyante na si John Denero.

Ayon kay Sr. Supt. Julian Entoma, hepe ng Mandaue City Police Station (MCPO), kapwa hindi nasaktan si Denero at kaniyang asawa na noon ay sakay ng kanilang kotse.

Mabilis namang tumakas ang tatlong suspek sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Entoma na ihahatid lang sana ni Denero ang kaniyang misis sa trabaho nang sila ay tambangan.

TAGS: ambush, John Denero, Mandaue City, ambush, John Denero, Mandaue City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.