Wala na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marilyn.
Sa final weather bulletin na inilabas ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa 1,430 kilometers east ng Itbayat, Batanes at wala na ito sa teritoryo ng Pilipinas.
Patuloy din na humina ang bagyo na ngayon ay isang severe tropical storm na lamang.
Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 120 kilometers kada oras.
Tinatahak pa rin ng bagyo ang direksyong northeast sa bilis na 15 kilometers kada oras.
Bukas ng umaga, nasa 1,740 kilometers east na ng Itbayat, Batanes ang bagyo at 2,250 kilometers east ng Itbayat, Batanes sa Biyernes ng umaga.
Ang nasabing bagyo ay hindi nakaapekto saanmang bahagi ng bansa maliban lamang sa pagpapalakas nito sa amihan.
Ayon sa PAGASA base sa rekord sa mga nagdaang taon, mayroon pang 1 hanggang 2 bagyo na pumapasok sa bansa kapag buwan ng Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.