Dry-run para sa NLEx-Harbor Link segment 10 isasagawa
Nagsagawa ng last minute inspection si Public Works and Highways Sec. Mark Villar sa bubuksang North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link Segment 10.
Ngayong araw isasagawa ang dry run para sa NLEx-Harbor Link na 5.65 kilometers elevated expressway at inaasahang mapakikinabangan ng 30,000 sasakyan kada araw.
Ayon kay Villar, ang NLEx-Harbor Link Segment 10 ay magsisilbing alternatibo para sa mga malalaking truck.
Malaking kabawasan din ito sa oras ng biyahe ng mga motorista mula Manila Harbor Port patungong Nlex.
Maliban sa pagkunekta ng naturang kalsada sa NLEX patungo sa iba’tibang bahagi ng Metro Manila, makatutulong gin ito sa development ng mga kalapit na komunidad sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.