Bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa isa nang tropical storm

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 07:56 AM

Isa nang tropical storm ang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa.

Ang bagyo na may international name na Wutip ay huling namataan ng PAGASA sa layong mahigit 2,000 kilometro silangan ng Mindanao.

Wala pang direktang epekto ang nasabing bagyo sa Pilipinas dahil sa malayo pang lokasyon nito.

Kung ang bagyo ay magre-recurve, sa weekend ang pinakamalapit na lokasyon nito sa bansa.

Kung didiretsuhin naman nito ang kasalukuyang direksyon ay papasok ito sa bansa sa susunod na linggo.

Hindi naman ito inaasahang tatama sa kalupaan.

TAGS: Pagasa, Tropical storm, weather, wutip, Pagasa, Tropical storm, weather, wutip

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.